Print

Personal na ipinaabot ni PENRO Ronilo L. Salac ang tulong ng PENRO Laguna sa munisipyo ng Los Baños kaugnay ng kasalukuyang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon dahil sa banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit o virus na COVID19. Kasama rin sina MSD Lourdes S. Jacinto at MBCO Focal Person Melvin L. Lalican sa pagdadala ng nasabing tulong o donasyon.

Ang tulong na face masks (8 boxes) para sa mga frontliners ng munisipyo at bigas (10 sacks) na dagdag ayuda sa mga taga munisipalidad na higit na nangangailangan ng tulong ay personal na tinanggap ni Mayor Caesar Perez.

Ang nasabing donasyon ay isang initiative ng opisina ng PENRO Laguna upang makatulong sa ilan nating kababayan higit lalo sa bayan ng Los Baños na mapagtagumpayan ang laban at banta dala ng COVID19.