Stop flying party balloons, DENR-Calabarzon appeals to public

Stop flying party balloons, DENR-Calabarzon appeals to public

By Saul Pa-a  January 5, 2019, 11:29 am

CALAMBA CITY, Laguna -- A top official of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) 4A (Calabarzon) on Friday appealed to local government units (LGUs) and the public to refrain from flying balloons on special occasions.

“Sa rehiyon ng Calabarzon, nais naming hikayatin ang mga Pamahalaang Lokal na ituring na littering ang pagpapakawala ng lobo dahil doon na rin naman ito patutungo (In the Calabarzon region, we are appealing to the local governments to consider the release of balloons into the air as littering as it would end up this way, anyway),” DENR-4A Executive Director, lawyer Maria Paz G. Luna, said.
Luna told the Philippine News Agency (PNA) that they already ordered funeral homes and other party or event organizers to stop releasing balloons into the air.

“Maaari po kaming mag-file ng kaso ng paglabag sa RA 9003 (We could file a case for violation of Republic Act No. 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000),” she warned.

Flying balloons has become a practice for many Filipino families during funeral rites, believing that these contain their messages of love to the departed.

Luna, however, said this does not mean that the balloons would reach the skies.

“Hindi kaya't ang ibig sabihin noon ay sa purgatoryo ninyo ipinadala ang mensahe? Siguraduhin pong aabot ang mensahe sa mahal sa buhay at hindi sa purgatoryo. (But could this mean that the messages had been sent instead to purgatory? So, make sure the message would really reach your loved ones and not end up in purgatory),” she said.

The move came after the Cove Manila Balloon Drop at the Okada Hotel Manila, an event that would release some 130,000 balloons to usher in the New Year, drew flak from netizens.

The DENR earlier ordered Okada to cancel the event.

In observance of the National Zero Waste Month this January, the department has been promoting environment awareness and action among the citizenry and institutionalizing public participation in the development of national and local integrated, comprehensive and ecological waste management programs.

Luna also advised the public to send their complaints on littering - from releasing balloons to illegal garbage disposal - to DENR-4A through text +639456215007 or +639083340224; or email to This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. or post the photo/message of such violations through https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/#ZeroWaste or hashtags #DENRCalabarzon and #TayoAngKalikasan. (PNA)

 

News

41396077 297236750861958 5521818974616027136 o

BAWAL MAGSUNOG NG BASURA!


Labag sa batas (RA 9003 at RA 9514) ang open burning ng solid waste, at kasama riyan ang agricultural waste, mga tuyong dahon at sanga. Nagdudulot ito ng polusyon sa hangin at panganib sa tao. Kaya maaaring ireklamo ang kapitbahay nanagsusunog ng basura, kahit pa tuyong dahon o dayami ang sinusunog. Ang inirereklamo ay maaaring maparusahan ng pagmumulta o/at pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala.


Tumulong sa pagpigil sa mga nagsusunog ng basura. Sitahin, ireklamo, at turuan ang mga violators na sumunod sa batas pang-kalikasan. Narito ang mga maaaring gawin kung may napag-alamang nagsusunog ng basura sa inyong lugar:

Kung maaari ay i-dokumento (photo o/at bidyo) ang pagsusunog.

Kaagad tawagin ang atensyon at ipaalam sa nagsusunog ng basura na ito ay ipinagbabawal.

Kung hindi makinig at tuloy pa rin sa pagsusunog, humingi na ng tulong sa mga opisyal ng barangay. Itawag at kung maaari ay magsampa rin ng pormal na reklamo gamit ang complaint form na ito: OPEN BURNING COMPLAINT FORM.

Kung hindi umaksyon ang barangay ay maaari itong ireklamo sa DILG o/at DENR field offices.

Maaari ring dumulog sa pinakamalapit na Bureau of Fire Protection/City o Municipal Fire Marshal upang magsampa ng kasong administratibo sa ilalim ng IRR ng Revised Fire Code (RA 9514).

Kung di maaayos sa barangay, maaaring lumapit sa pinakamalapit na Tanggapan ng Tagausig (Prosecutor’s Office) upang magsampa ng kasong kriminal na paglabag sa umiiral na City/Municipal Ordinance patungkol sa solid waste management, at kaugnay sa RA 9003 at RA 9514. Gamitin ang complaint-affidavit na nasa link sa itaas.

Kung nais magsampa ng kasong sibil para sa danyos perwisyo (damages), kumonsulta sa abogado para sa paghahanda ng kaukulang reklamong isasampa korte.

Makatutulong kung ilalakip sa pormal na reklamo ang kopya ng mga larawan o/at bidyo ng pagsusunog para magsilbing ebidensya laban sa violator.

Maaari ring humingi ng tulong sa pinakamalapit na tanggapan ng DENR-Environmental Management Bureau.


Kung may irereklamo, i-download mula sa link na ito ang sample na reklamo: OPEN BURNING COMPLAINT FORM.

Para sa ibang report o reklamo na may kaugnayan sa kalikasan, maaaring magpadala ng detalye sa +639456215007/ +639083340224, email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. , o sa facebook: https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/


#DENRCalabarzon #TayoAngKalikasan #CleanAirForAll #SDGs

Photo Releases

photo-releases

Others

  • office-of-the-president

  •   
  • official-gazette

                                EMB     MGB     FMB     PAWB     LMB     ERDB