Print

Sa ilalim ng programang ‘Tayo Ang Kalikasan’ (TAK) ng Kagawan ng Kapaligiran at Likas Yaman, isang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Gardenia Kapit-Bisig Multipurpose and Transport Service (MPTS) Cooperative at ng DENR CALABARZON ngayong ika-19 ng Oktubre 2021 na ginanap sa tanggapan ng DENR PENRO Cavite, Trece Martires City, Cavite. 

“Ayon kay Forester Alipia D. Espiritu, Chief, Production Forest Management Unit, ang kasunduan ay naglalayon na mapayabong at makapagtanim ng mga punla ng indigenous at fruit bearing trees sa 50 hektaryang plantasyon na matatagpuan sa Barangay Talispungo, Maragondon, Cavite”. Ito ay alinsunod sa implementasyon ng Enhanced National Greening Program (eNGP) sa buong bansa, sa tulong at pakikipagugnayan sa lokal na komunidad at mamamayan sa nasabing lugar. 

Binigyang diin ni PENRO Januel R. Peras na ang inisyatibong ito ay bahagi ng priority programs ng kagawaran sa pagpapalago ng kagubatan sa ating bansa. Aniya “isa sa ginawang stratehiya ng pamahalaan ay ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya at organisasyon na magkaroon ng corporate social responsibility sa pamamagitan ng NGP site adoption.” 

Ang kasunduang ito ay nilagdaan ni Gg. Cornelio R. Ragasa, Founder & Chief Executive Officer na sinaksihan naman ni Gg. Danilo C. Hilbero, Chairperson – Board of Directors ng Gardenia Kapit-Bisig Multipurpose and Transport Service (MPTS) Cooperative at ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria na na-una nang nilagdaan ang nasabing kasunduan na sinaksihan ni OIC, PENRO Januel R. Peras. ###