Print

Ang paglilinis ng tabing dagat sa tatlong barangay ng Calaca: Talisay, Salong at Quisumbing, ngayong Mayo 21, 2021 ay pinangunahan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Calaca kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Calaca sa pagrepresenta ni OIC-MENRO Christopher Arandia. Dumalo din sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng Bureau of Fire sa pangunguna ni SINSP Fernando Castillo.

Sa kabuuan, nasa 56 na sako ng basura ang nakolekta sa baybayin ng tatlong barangay at 67 na pirasong IEC materials naman ang naipamahagi.

Ang mga kalahok ay mahigpit na sumunod sa public health standards and IATF protocol, katulad ng pagsusuot ng face mask at pagobserba sa social distancing.

Ipinapaalala po sa lahat na ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay mahigpit na ipinagbabawal ayon sa  Ecological Solid Waste Management Act (RA9003). ###