Print

MEMORANDUM OF PARTNERSHIP AGREEMENT (MOPA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at Municipality ng Baras, Rizal ang nilagdaan noong lunes, Marso 01, 2021 sa Munisipyo ng Baras patungkol sa mga gawaing Land Administration and Management.

Layunin ng nasabing MOPA ang matulungan ang kumunidad na mai-proseso at magkaroon ng titulo ang bawat lupang tinitirikan at sinasaka ng mga mamamayan upang mabigyang seguridad ang pagmamay-ari sa lupa.

Isa sa programa ng MOPA and pagtataguyod ng Rapid Land Tenure Appraisal o RLTA. Sa ilalim ng programang ito, magsasagawa ng Barangay Profiling and isang munisipalidad o siyudad na nasasaklaw ng Cadastral Survey na isinagawa ng pamahalaang nasyonal ilang taon na ang nakalilipas.

Sa pamamagitan ng RLTA matutukoy ng ahensiya ang mga bawat lupang maaaring mapatituluhan. Dahil dito, inaasahang magiging maayos ang bawat proseso at aktibidad ng pagpapatitulo.

Dagdag pa rito, isang Land Management Office ang itataguyod sa Baras, Rizal na pangangasiwaan ng Rizal Provincial Environment and Natural Resources Office at Municipality of Baras, Rizal katuwang ang Municipal Assessors Office at Municipal Planning and Development Office.

Magsasagawa din ng cascading o Information, Education and Communication (IEC) campaign sa bawat Barangay upang maipaliwanag ang kahalagaan ng RLTA gayudin ang pag-iimbentaryo ng mga lupa at pagsasaayos ng mga Cadastral Maps.

Dinaluhan ang nasabing paglada nina Acting Municipal Mayor Wilfredo C. Robles, Municipal Administrator Bienvenido L. Garrovillas, mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, at Municipal Mayor Katherine C. Robles. Kasama din sina PENRO Isidro L. Mercado, Chief Technical Services Division Ernesto M. Diso Jr at mga kinatawan ng Regulation and Permitting Section ng DENR PENRO Rizal.