Noong 18 Mayo, ay nagkaroon ng isang pagpupulong patungkol sa isang panukalang pagtatayo ng isang Sewerage Treatment Facility para sa Bayan ng Santa Cruz. Ito ay naglalayon na mapabuti ang kalidad ng tubig na nanggagaling sa pampublikong pamilihan ng nasabing bayan bago ito padaluyin sa ating mga katubigan. Ito rin ay isang Pilot Project na kung saan ito ay magsisilbing modelo ng ibang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna. Magkakaroon ng mga susunod pang pagpupulong para talakayin ang mga iba pang hakbang at aktibidad na kaugnay dito.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng ilang DENR Officials sa pangunguna ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria, CENRO Victor H. Mercado, MSD Chief Annabelle Barquilla, Chief, Conservation and Development Section (PENRO) Melvin Lalican, Chief, Enforcement and Monitoring Section Marilyn Aguilon, Chief, Planning and Support Unit Bernardita Daliva, EMS II Josefina Ocampo at mga pinuno ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Santa Cruz sa pangunguna ni Hon. Mayor Edgardo “Egay” San Luis, Municipal Admin. Melvin Bonza, at Engr. Maria Lourdes San Miguel.

Samantala, mainit ang pagtanggap ng CENRO Sta. Cruz sa pagbisita at pagbibigay suporta sa nagbabalik na Regional Executive Director ng DENR CALABARZON na si RED Nilo B. Tamoria. Nagkaroon ng maikling briefing gamit ang isang Audio Visual Presentation (AVP) na kung saan ipinakita ang mahahalagang impormasyon, mga ipinatutupad na mga gawain at proyektong pangkalikasan, at ilang mga inisyatiba ng CENRO Sta. Cruz.

Ayon kay RED Tamoria “yung mga ginawa ng mga nakaraang Regional Executive Directors dagdag pa ang kanyang karanasan at suporta, kooperasyon, lakas, talento at buong pusong paglilingkod ng mga kawani ng DENR ay kapag pinagsama-sama ay mapagtatagumpayan ang mga priority programs ng DENR”.

“ito ay ginagawa natin hindi para sa ating sarili, kung hindi para sa ating kalikasan at kapaligiran” – RED Nilo Tamoria.