Tingnan: Paglilinis sa baybaying dagat ng Brgy. Abuyon, San Narciso, Quezon kasama ang mga Brgy. Officials, mga residente at mangingisda. Ang gawaing ito ay isinagawa bilang paggunita sa selebrasyon ng Buwan ng Karagatan na pinangunahan ni Forester Nida Castro Barros  at ilan pang mga kasama mula sa CENRO Catanauan na pinamumunuan ni CENRO Lupo T. Telan.

Matapos ang coastal clean-up ay nagkaroon din ng IEC patungkol sa Month of the Ocean at pamimigay ng  washable cloth facemask sa mga nakibahagi sa gawain. Lubos ang pasasalamat ng mga nakilahok sa pagkakaron ng sama samang paglilinis sa lugar.

Ang mga nakolektang plastik na basura ay isinaayos para makolekta ng Municipal garbage truck upang dalhin sa kanilang Sanitary Landfill.