Nagpatawag ng pulong ang PENRO Rizal sa iba't ibang ahensya ng gobyernong katuwang sa pamamahala at pagpapaunlad ng Pamitinan Protected Landscape ngayong ika-5 ng Mayo 2021 sa tanggapan ng PENRO Rizal. Ito ay upang maipaliwanag sa kanila ang E.O No. 120 o "Strengthening Rehabilitation and Recovery Efforts in Typhoon Hit Areaa Through the Creation of the Build Back Better Task Force".

Layon nitong mailatag ang mga programang tulad ng pinalawak na pagpapagubat, easement recovery at pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.

Tinalakay din ang mga kasalukuyang suliranin sa PPL at mga posibleng solusyon dito.

Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaang Pambayan ng Rodriguez, Rizal at Punong Barangay ng San Rafael Kap. Eron Paul Alvarez.