Ang nasabing Sawa ay nahuli umano sa madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa Village East Cainta Rizal.

Ang insidente at mabilis na na-ipagbigay alam nina Teresa Dimailig at Edward Superiano Dimailig sa aming opisina na agad namang nalapatan ng koordinasyon. Sa Pangunguna ni Rowel Olarve, ang buhay ilang ay maayos na na-iturned over at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng PENRO.

Muli, isang pasasalamat at patuloy ang panawagan ng PENRO Rizal sa publiko na ipagbigay alam kung meron mang matagpuang mga buhay ilang na kailangan ng agarang aksyon, mga ilegal na pag-aalaga, maging pagbebenta.

Tumawag sa numerong 8 286-6170 o mag email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Maaari ding mag padala ng mensahe kalakip ang mga larawan sa official facebook account ng PENRO Rizal at sa page ng DENR CALABARZON.