Nilagdaan ngayong selebrasyon ng Earth Day, 22 Abril 2021 ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng PENRO Laguna sa pamamagitan ni PENRO Ronilo L. Salac at ng Philippine National Police Training Institute (PNPTI) sa pamamagitan ni Director PMGEN Alex Botes Sintin. Ang nasabing MOU ay nilagdaan sa mismong opisina ni PENRO Salac sa Lalakay, Los BaƱos, Laguna kasama rin si Technical Services Division Chief, Divina A. Villaluz bilang saksi.

Layunin ng MOU ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensya para sa mga tree planting activities na isasagawa ng PNPTI at pagbibigay naman ng technical assistance ng PENRO tulad ng pagbibigay ng mga planting materials at paghahanap ng mga potential areas na maaring taniman. Layunin ng PNPTI na tulungan ang PENRO Laguna sa pagpapalawak ng kamalayan hindi lamang sa mga kanilang kabarong pulis bagkus ay sa lahat ng bawat mamamayan na tayo ay may kani-kaniyang responsibilidad sa pangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan. Nilalatag na rin ang pag-aadopt ng PNPTI ng mga nauna ng na-establish na NGP Plantation sa Laguna para sa maintenance and protection activities nito.

Nagpaabot naman ng donasyon na mga face masks at UV light si Lt. Col. Emely R. Trinidad, Provincial Legal Officer, Laguna Legal Service na siya namang tinanggap nila PENRO Ronilo L. Salac at Management Services Division Chief, Annabelle M. Barquilla.