Isang Philippine Scops Owl (Otus megalotis) ang naiturn-over sa PENRO Laguna ngayong araw, 14 Abril 2021. Sa pamamagitan ng electronic mail ay ipinagbigay-alam at isinurrender ni Ms. Tracy Calderon ng Brgy. Looc, Calamba City, Laguna ang nasabing kwago. Ayon kay Ms. Calderon, ito ay nahulog lamang sa kanilang bubong ng may maka-away na iba pang uri ng ibon at minabuting sa DENR ibigay sa kaalamang ito ay hindi uri ng ibon na pwedeng alagaan ng isang indibidwal. Agad namang tumugon ang PENRO Quick Response Team at nagpunta sa lugar upang kunin ang kwago. Ito ay dadalhin sa Regional Wildlife Rescue Center, Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Muli, ang PENRO Laguna po ay nananawagan sa publiko na magreport kung meron mang sightings ng mga wildlife o buhay ilang sa inyong lugar o may-alam na ilegal na nag-aalaga o nagbebenta nito. Maaari po kayong tumawag sa numerong 049 536 5889, o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. / This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magbigay ng mensahe sa official Facebook page ng DENR CALABARZON

. Magtulungan po tayong pangalagaan ang ating mga buhay-ilang!

#ProtectWildlife

#PENROLaguna

#DENRCALABARZON