Isinasagawa ang Tayo Ang Kalikasan (TAK) Orientation at Ecological Solid Waste Management Lecture ng Community Environment and Natural Resources (CENRO) Tayabas sa bayan ng Agdangan, Quezon noong nakaraang 6 Abril 2020.

Dinaluhan ang gawaing ito ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), mga kapitan at kinatawan ng labindalawang (12) barangay at komite ng kalikasan at kalusugan ng nasabing bayan.

Kabilang sa mga tinatalakay ang tamang pamamahala ng basura, batayan ng paraan ng paghihiwahiwalay ng basura, mahahalagang impormasyon patungkol sa microplastic, apat (4) na Rs ng waste management, atbp.

Nakatalaga ring gawin ang Action Plan at pagtukoy sa mga issues and concerns na kinahaharap ng kani-kanilang barangay. Pag-uusapan rin ang mga pangakong gawain ng bawat barangay bilang pakikiisa sa programang Tayo Ang Kalikasan na isasama sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Bayan ng Agdangan, Quezon at CENRO Tayabas.

#TayoAngKalikasan

#CENROTayabas

#SolidWasteManagement