TINGNAN: Pagtatanim ng mga bakawan ang  isinagawa noong nakaraang Pebrero 27, 2021 sa Barangay Lagadlarin, Lobo, Batangas sa pangunguna ng Philippine National Police National Head Quarter Command Group, Police Regional Office IV-A, Special Action Force at Batangas Police Provincial Office, sa pakikipag-ugnayan sa DENR CALABARZON, DENR CENRO Lipa at sa lokal na pamahalaan ng Lobo, Batangas.

Pinangunahan nina Chief PNP PGen Debold M. Sinas, Police Regional Director PBGen Felipe R. Natividad, DENR RIV-A Regional Executive Director For. Nonito M. Tamayo at Lobo Municipal Mayor Hon. Gaudioso R. Manalo ang isinagawang pagtatanim.

Ang nasabing gawain na may temang “Bakawan ay Pangalagaan, Bigyang Buhay ang Inang Kalikasan”, ay naglalayong pangalagaan, protektahan at mas bigyang importansya ang ating kapiligiran lalo’t higit ang mga ‘coastal areas’. Bukod dito layunin din ng nasabing gawain na mas paigtingin ang malawakang pagtatanim upang sa gayon ay makaiwas tayo sa anumang panganib kagaya ng paggguho ng lupa dahil sa mga kalamidad.

Mahigit na 3000 na bakawan ang naitanim ng mga lumahok sa nasabing gawain.