Nagsama-sama sa sabayang pagtatanim ng api-api at indigenous trees sa Brgy. IA , Ternate at Brgy. Pinagsanhan, Bonifacio Shrine, Maragondon, Cavite, 13 Pebrero 2021 ang mga kawani mula sa mga ahensya ng PENRO Cavite, PNP-Maritime Group, Maragondon LGU, Ternate LGU, BFP, Philippine Navy, PCG, NGOs kabilang ang Kabataang Mandaragat at Cavite Varsitarian. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PNP Maritime Group sa kanilang pagdiriwang ng ika-30 annibersaryo na may temang “Maritime Pulis na May Malasakit sa Kalikasan, Bantay ng Karagatan at Kaagapay ng Mamamayan Tungo sa Masagana at Magandang Kalikasan” at “Bigyan ng Magandang Kalikasan at Kinabukasan ang mga Kabataan”.

May kabuuang 1000 pirasong propagules at 1000 pirasong indigenous trees ang naitanim sa nasabing lugar. Aktibong nanguna sa pagtatanim ang DENR USEC for Special Concerns Edilberto Leonardo kung saan binigyang pansin niya ang kahalagahan at kabutihang dulot ng pagtatanim ng mangroves sa Lalawigan ng Cavite.