Nagsagawa ng pulong ang Protected Area Management office - Pamitinan Protected landscape (PAMO-PPL) sa pangunguna ni PASu Zosima Belen kanina upang talakayin ang mga aktibidad sa nalalapit na pagbubukas ng ekoturismo sa PPL noong February 11, 2020.

Ito ay dinaluhan ni Gng. Jomelyn Abuan (Tourism Officer), Brgy. San Rafael - Wawa Annex staff at zone leaders, at opisyales ng PPL Tour Guide.

Mga tinalakay:

1. Bagong normal na gabay sa pagpasok sa PPL;

2. Mga bagong panuntunan sa pag-akyat ng bundok at rock climbing;

3. Pagsasagawa ng mock tour at pag-aayos ng trails kabilang na ang bayanihan sa pagsasaayos ng tulay ng Sto. NiƱo;

4. Pagkakaroon ng refresher course para sa mga giya; at

5. Pagsasagawa ng dry-run

Kaalinsabay nito ay inihahanda na ng PAMO-PPL , at mga katuwang na ahensya ang ating mga tanggapan alinsunod sa batayan ng IATF upang makasunod sa health protocols.