Ang DENR-CENRO Catanauan, Quezon ay nagsagawa ng paglilinis ng baybaying-dagat at bakawanan ngayong araw, 11 Pebrero 2021 sa Brgy. Alibijaban, San Andres, Quezon.

Bago magsimula ang paglilinis ay nagkaroon muna ng kaunting discussion ang Information Officer ng CENRO Catanauan na si For. Elliane Jade P. Gadela tungkol sa Pagdiriwang ng World Wetlands Day noong 2 Pebrero. Sinabi niya na ang Alibijaban Wilderness Area, isang pinangangalagaang pook ang napili sa paglilinis ng baybaying-dagat dahil taglay nito ang mga katangian para sa pagdiriwang ng World Wetlands Day, isa na rito ay ang pagkakaroon ng maraming uri ng bakawan at iba't-ibang mga buhay-ilang na matatagpuan dito.

May tatlong daan at siyam (309) na kilo ng mga di-nabubulok na mga basura ang nakolekta sa baybaying-dagat at bakawanan. Ito ay naisagawa sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ng San Andres, Quezon; Sangguniang Barangay ng Brgy. Alibijaban at mga residente dito.

Ang isla ng Alibijaban ay nanatiling COVID FREE kung kaya't ang aktibidad na ito ay isinagawa ayon sa alituntunin ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, katulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing.