Paglilinis ng baybaying-dagat o coastal clean-up na isinagawa ngayong araw, 9 Pebrero 2021, sa Brgy. Kanlurang Calutan, Agdangan, Quezon, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Office of the Municipal Agriculturist (OMA), bantay dagat, barangay at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas.

Nakolekta ang nasa labing-isang (11) sako ng basurang naglalaman ng mga sirang damit, plastik, net, nylon, bote, bubog, atbp. na humigit-kumulang 385 kilo ang bigat.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Coastal and Marine Ecosystem Management Program (CMEMP) ng DENR. Ito ang una at isa lamang sa pitong (7) nakatakdang gagawing paglilinis pa para sa mga susunod na buwan, ng CENRO Tayabas na pinangunahan ng mga nakatalaga sa Conservation and Development Section (CDS).

Isinagawa ito na may pag-oobserba sa mga protocol na may kinalaman sa kalusugan gaya ng social distancing at pagsusuot ng face masks upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City

Mga larawan ni: Bryan Portes