Isang pagpupulong ang naganap ngayong araw na may kinalaman sa patuloy na implementasyon ng pagkonserba at pangangalaga ng pawikan sa baybay dagat ng Brgy. Abuyon, San Narciso, Quezon na isinagawa sa Sangguniang Barangay ng Abuyon at dinaluhan naman ng mga opisyales at mga residente kung saan malapit ang lugar pangitlogan ng pawikan.

Enero 10, 2021 ng naireport ang isang pawikan na nangingitlog sa baybay dagat na nasasakupan ng barangay at agarang ipinagbigay alam sa opisina ng CENRO Catanauan. Dahil sa layo ng pag responde ay minabuting bigyan na lamang ng teknikal na payo ang ang barangay kagawad na siyang nakausap tungkol dito.

Ngayong araw, binigyang kaalaman ng kinatawan ng CENRO Catanauan ang mga residente at opisyales tungkol sa buhay at mga inaasahang kapahamakan sa sa buhay ng pawikan kung kaya't ang bawat isa ay hinihikayat na makipagtulungan sa programa ng pagkonserba at pagprotekta ng mga pawikan. Gayundin ay natalakay ang iba't-ibang buhay ilang na ipinagbabawal kuhain at alagaan.