Noong nakaraang November 12, 2020, Sa pangunguna ni CENRO Victor Mercado, ang CENRO Sta. Cruz Quick Response Team (QRT), ay nag-ikot sa area of jurisdiction nito upang malaman ang mga pinsala sa paghagupit ng Bagyong Ulysses.

Katulad din sa mga nababalitang mga lugar sa ating bansa, Baha, mga putol na puno at sanga ang tumambad sa grupo. Nagkaroon na din ng pakikipag-ugnayan  ang mga LGU Focal Person ng CENRO Sta. Cruz sa kani kanilang mga nakatalagang bayan sa ika-3 at ika-4 na distrito ng Laguna upang patuloy na malaman ang iba pang mga pinsala na dulot ng Bagyong Ulysses.

Hangad namin ang kaligtasan ng bawat isa, lalong lalo na sa ating mga tagasagip ng mga lubhang naapektuhan ng nasabing bagyo. Bigyan sana kayo ng ating poong maykapal ng kalakasan ng pangangatawan at pag-iisip. ###