Noong Oktubre 7, 2020, ang CENRO Sta. Cruz - Enforcement and Monitoring Section (EMS), sa pamamagitan ng pakikipagunayan sa Lokal na Pamahalaan at MENRO ng Victoria, Laguna, ay nagsagawa ng isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign patungkol sa mga ipinatutupad na batas at regulasyon ng DENR.

Ang mga requirements at pagproseso ng mga permits tulad ng Tree Cutting Permit, Certificate of Tree Plantation Ownership (CTPO), Chainsaw Registration at Certificate of Wildlife Registration (CWR) ay tinalakay. Binigyang diin din ang mga responsibilidad ng mga Kapitan ukol sa pagkuha ng mga requirements ng kanilang mga kababayan.

Dahil sa biglang pagdami ng tao na nagiging interesado sa paghahalaman, tinalakay din ang batas para sa pagproprotekta at pangangalaga ng ating mga Buhay-Ilang o RA 9147.

Nagkaroon din ng pagtalakay sa Philippine Mining Act o RA 7942 at iba't ibang klaseng permit na iniissue ng DENR-MGB at ng PMRB Laguna. Kaugnay narin ang iba't ibang multa/parusa sa mga paglabag sa nasabing batas.

Ang IEC na ito ay isang pamamaraan upang iangat ang kaalaman at kasanayan ng mga Kapitan sa nasabing munisipyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong impormasyon at sapat na kakayahan upang maging katuwang ng DENR sa implementasyon ng mga batas pangkalikasan.

Natapos ang nasabing IEC sa isang talakayan at palitan ng kaalaman ukol sa mga tinalakay na mga paksa.