Ang PENRO Laguna ay nagkaloob ng 30 cubic meters volume ng kahoy sa 4th Regional Community Defense Group -Army Reserve Command (4th RCDG-ARESCOM) kaugnay ng Memorandum of Partnership sa pagitan ng dalawang ahensya na nauna ng lagdaan noong Agosto 14, 2020 na naglalayong gawing impounding area ang ilang bahagi ng Camp Macario Sacay ng mga kumpiskadong ilegal na kahoy at maging mga kahoy mula sa Tree Cutting Permit ng DPWH.

Ang mga kahoy na ibinigay ay mula sa Tree Cutting Permit na ipinagkaloob sa DPWH para sa pagpuputol ng puno sa Cavinti, Laguna noong December 13, 2018. Ang donasyon ay pinagtibay sa paglagda ng DENR sa katauhan ni PENRO Ronilo L. Salac at 4TH-RCDG ARESCOM Group Commander Col. Romulo R. Satparam sa isang Deed of Donation ngayong Setyembre 8, 2020 sa Brgy. Lalakay, Los Baños, Laguna. Kabilang din sa mga dumalo sa paglagda ng nasabing Deed of Donation sina Chief, Technical Services Division - Divina A. Villaluz, OIC-CENRO Sta. Cruz - Victor H. Mercado at Lieutenant Col. Alfredo A. Caneo bilang mga saksi.

Ang mga kahoy ay gagamitin ng 4th RCDG-ARESCOM upang makapagtayo ng isang quarantine facility bilang isang holding area ng mga reservist na kabilang sa COVID-19 Inter-Agency Task Force.