Nakadaupang palad ng mga personnel ng PENRO Laguna sina Undersecretary for Field Operations, Enforcement and Muslim Affairs Jim O. Sampulna, CESO III kasama sina Director Nilo B. Tamoria, Environmental Protection and Enforcement Task Force at Assistant Secretary for Field Operations - Luzon Gilbert C. Gonzales sa kanilang ginawang field office visitation noong Agosto 13, 2020. Kasama din sa pagbisita sina DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonito M. Tamayo, ARD MS Nelson V. Gorospe at ARD TS Alfredo C. Palencia.

Ayon kay USEC Sampulna, ang dahilan ng kanilang pagbisita ay upang alamin ang kalagayan ng mga field offices at makilala ang mga personnel at higit lalo ay ang pagpapa-abot ng mensahe ng ating butihing DENR Secretary Roy A. Cimatu ng kanyang buong suporta sa mga field offices at pasasalamat nito sa patuloy na pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin. Hiningi din ni USEC Sampulna sa mga personnel na ibigay din nila ang kanilang suporta sa Central Office, sa DENR CALABARZON at higit lalo sa pamunuan ng PENRO laguna.

Naging maikli man ang oras ng pakikipag-usap at pagkilala kina USEC Sampulna, labis pa rin ang kasiyahan ng mga personnel sa kanilang ginawang pagbisita at pagbibigay importansya sa mga empleyado sa field.