Pinangunahan ni PENRO Ronilo L. Salac ang isang pagpupulong kasama ang mga Division Heads at Section Chiefs ng PENRO Laguna upang ilahad ang mga mahahalagang napag-usapan at mga tagubilin ng nakaraang PENRO & CENRO Meeting noong August 6, 2020 na isinagawa sa Tanggapan ng DENR CALABARZON sa Mayapa, Calamba City, Laguna.

Kabilang sa mahahalagang tagubilin ay ang dobleng pagsusumikap na maisakatuparan at maisagawa ang mga targets ng mga Field Offices sa gitna ng epektong dala ng COVID-19 pandemya. Gayundin ang pagsasa-ayos at pagpapabuti ng pagbibigay serbisyo publiko upang maiangat ang antas ng kasiyahan ng publiko sa mga serbisyong ibinibigay ng DENR.