Isang Brahminy Kite (Haliastur indus) ang na nasagip kahapon sa tulong ng isang concern citizen na nag surrender nito. Ang nasabing buhay-ilang ay nadakip noong June 16, 2020 sa puno ng manga sa gitna ng malakas na ulan. Mula noon, nanatili ito sa pangangalaga ng nakahuli dito, ngunit nakaitaan ito ng panghihina at problema sa pakpak.

Ang Brahminy kite ay nasa pangangalaga ngayon ng aming opisina at nakatakdang ilipat sa Wildlife Rescue Center ng BMB sa Quezon, City.

Ang PENRO Rizal ay nagpapaalala na mahigpit na pinagbabawal ang pagpatay, pagkakalakal, pagkokolekta, pangangaso, pagmamaltrato, pagbiyahe, at pagsira sa tirahan ng mga buhay-ilang ayon sa batas RA 9147 o “Wildlife Resources and Conservation Act”.