Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman sa Rehiyon ng CALABARZON ay kaisa ang International Ranger Federation sa pagpupugay sa ating mga magigiting na tanod-gubat na kasama natin sa pagprotekta at pangangalaga sa ating kalikasan at likas yaman.

Ang mga tanod-gubat ay ating katuwang sa tungkuling pagpapatupad ng mga pangkalikasang batas upang maprotektahan ang ating mga kagubatan pati narin ang mga buhay ilang.

Saludo po kami sa inyo!