Nagsagawa ng pagpupulong ang Protected Area Management Board (PAMB) ng Binahaan River Watershed Forest Reserve (BRWFR) sa Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon, noong ika-15 ng Hulyo 2020.

Sa pagpupulong na ito ay tinalakay ang Work Plan and Mid-year Accomplishment ng BRWFR para sa taong ito; manual of operations; protected area suitability assessment; final map of BRWFR; at proposed logo and building of BRWFR.

Kasama pang tinalakay dito ang ilang issues, concerns at updates mula sa mga miyembro ng board.

Tuwing ika tatluhang-buwan isinasagawa ang pagpupulong gaya nito.