Kaugnay sa ika- tatlumpu't- tatlo selebrasyon ng pagkakatatag ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman, nagsagawa ang opisina ng DENR CENRO Lipa sa pamumuno ni CENRO Noel Recillo at Chief EMS Liza Malizon Olave at mga miyembro ng Enforcement and Monitoring Section ng Simultaneous Anti-Illegal Operation sa mga lugar na nasasakupan ng tanggapan. Ang mga nasabing aktibidades ay ang mga sumusunod:

1.) Checkpoint sa mga illegal na forest products at aktibidad na may kaugnay sa mining sa katulong ang mga Enforcer ng Traffic Management Section ng Sto. Tomas City, Batangas na sina Mr. Alberto D. Malabanan, Mr. Romeo B. Tolentino at Mr. Melvin S. Apura
2.) Lumber Dealer Monitoring sa Sash Factory at mga produktong gawa sa kahoy sa bayan ng Sto. Tomas at Tanauan, Batangas
3.) Illegal Cutting Investigation sa San Antonio, Sto. Tomas at San Celestino, Lipa, Batangas

Ang mga nasabing aktibidad ay naglalayon na mas mapaigting ang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan upang mas mapangalagaan at maprotektahan ang kapaligiran at mga likas-yaman nito.