Isang 8888 complaint ang natanggap ng CENRO Sta. Cruz ngayong Martes ng hapon na may isang piggery na di umano na ang mga dumi ng baboy nito ay direktang dumederecho sa ilog ng Santa Cruz.

Agad nakipagcoordinate ang CENRO Sta. Cruz Quick Response Team (QRT) na kinatawan nina Forest Protection Officer Michael Alcasid at Project Support Staff Jhzll Najera-Floralde Porio sa Sangguniang Barangay ng Sto. Angel Norte tungkol sa nasabing sumbong.

Agad pinasamahan ni Brgy. Chairman Recto Rivera ang grupo sa mga Brgy. tanod nito na sina Al Delmonte at Raymond Bocaling.

Napag alaman ng grupo na nagsimula ang may ari nito sa 5 baboy noong 1989 hanggang sa umabot ang bilang nito sa mahigit na 40 na baboy ngayong taon. Nakumpirma ng grupo ang reklamo at agad ipinatigil ang operasyon nito. Napag alaman din ng grupo na bukod sa alagang baboy at mayroon din itong alagang mga itik.

Nirekomenda naman ng grupo ang pagpapasipsip ng barado nitong poso negro upang doon mapunta ang dumi ng mga alagang baboy.

Ang CENRO Sta. Cruz ay nanawagan sa lahat ng may -ari ng mga piggery na maging responsable tayo upang hindi maapektuhan ang ating mga kababayan at ang ating kapaligiran at likas-yaman. Sana maging bukas ang ating mga kaisipan upang patuloy na maprotektan, mapangaalagaan at mapaunlad pa ang ating mga natitirang kapaligiran at likas-yaman para sa mga susunod na salin-lahi.