Sa pangunguna ni CENRO Victor Mercado, kasama ang iba pang personnel ng CENRO Sta. Cruz, ay naipamigay na ang mga binalot na bigas para sa mga frontliners sa Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna.

Naglibot din ang grupo sa nasabing barangay upang mabigyan din ang ilang mga residente nito. kasabay nito ang pagbibigay ng mga nireproduce na mga IEC materials mula sa Department of Health (DOH) patungkol sa Corona Virus. Nilalaman nito ang mga paraan upang maiwasan ang nasabing Virus.