Sa pangunguna ng Conservation and Development Section, ang CENRO Sta. Cruz ay nagsagawa ng Environmental Lecture at Film Showing sa mga estudyante ng Liliw Central Elementary School at Pag-asa Elementary School noong ika-31 ng Enero. Nilalayon ng nasabing aktibidad na imulat ang mga kabataan sa kahalagaan ng mga “Latian” o Wetland sa ating Samu’t saring buhay o biodiversity.