Suspendidong Dumpsite Sa Laguna/Batangas Border, Patuloy Pa

Print

Suspendidong Dumpsite Sa Laguna/Batangas Border, Patuloy Pa

Sorpresang binisita ng DENR CALABARZON Regional Executive Director Ipat Luna ang tambakang nasa Barangay Kay-Anlog, Calamba City at dati nang naireklamong open dump sa karatig na Barangay Laurel, Tanauan City.
 
Kasama ang mga taga-Enviornmental Management Bureau, field offices ng DENR at Tanauan LGU, nakita mismo ng grupo ang pagdating ng ilang mga trak ng basura mula sa iba’t ibang Probinsiya ng Cavite, Laguna at Batangas na nag baba ng basura. Pinagtibay at inulit sa mga naroon ang kautusan ng EMB na suspendido pa ang dumpsite at hindi maaring magpapasok ng mga trak ng basura rito. Binalaan rin ng mga opisyal na bukod sa pagpapatigil ay maaring kasuhan ng danyos ang operator para sa pinsala sa kapaligiran partikular sa water table, na ayon sa bilang ng trak na pumasok labag sa kautusan.
Ang SB Hain na pag aaari ni Mr. Severiano Hain, operator ng nasabing tambakan, ay may suspension order na mula sa DENR Environmental Management Bureau (EMB) CALABARZON noong Oktubre 2018 pa.
 
Una na itong naireklamo na may illegal quarrying operation noong Mayo 2018. Isang Cease and Desist Order (CDO) na rin ang nai-isyu ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Director Samuel Paragas noong Hulyo 2018 .
 
Ang lugar ay 200 na metro ang layo sa Laurel Elementary School, Barangay Hall at ilang kabahayan. Tabi rin ito ng sapa na dumadaloy sa di kalayuang San Juan River na sa Laguna Lake at Manila Bay rin ang hantungan. Matatandaang ang rehabilitasyon ng Manila Bay ay prayoridad ni Kalihim Roy Cimatu at paksa ng gabinete nitong nakaraang linggong.
 
Ilang reklamo pa rin ang natanggap tungkol sa mabahong amoy na nanggagaling sa lugar at ang obserbasyon ng komunidad ay may 100 truck ng basura ang nagtatapon dito. Higit ito sa pinapayagang 15 trak lamang na naaayon sa isang tambakang nasa Category 1. Tumutugma rin ito sa datos ng EMB mula sa mga LGU na nagsasabing dito sila nagpapadala ng kanilang residual waste at lampas sa nakatakda para sa kanila.
 
Nanawagan din ang DENR CALABARZON sa lahat ng LGUs at service providers na tahasang bawasan hanggang kalahati ang bolyum ng kanilang itinatapon. Magagawa ito at hindi gaanong aamoy kung may tunay na segregation at source, tuyong residuals lamang ang kolektahin, at gawing compost ang nabubulok upang mabawasan ang kakailanganing dalhin sa kakaunting landfills na sumusunod sa batas.
 
Para sa dagdag na impormasyon o sumbong:
Ann Hazel Javier
Chief, Regional Public Affairs Office
+639456215007/ +639083340224
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.